Hindi naman laging masaya ang isang relasyon. Kung tutuusin ay maraming pagsubok na pagdaraanan. Ngunit hindi man naging ganon kadali ang relasyon ni Andy at Sam, kahit papaano'y nakayanan nilang magsurvive sa mga problemang kinaharap nila. Hindi natin alam kung anong pinagdadaanan ni Andy bilang isang sundalo, sa araw-araw na wala sa tabi niya si Sam. Wala tayong ideya kung gaano kahirap din para sa kaniya ang malayo sa mahal niya. Ano kayang nangyayari sa kaniya sa tuwing hindi magpaparamdam kay Sam? Bakit kaya ganoon na lang kung mawala siya nang oras? Paano ba ihandle ang isang relasyong malayo na nga ngunit halos hindi pa kayo nagkakausap? Napapaisip ka na ba? Basahin mo ito nang malaman mo...